Martes, Marso 13, 2018

Kabanata IV - Si Kabesang Tales

     I. Tauhan:
  • Tandang Selo - Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiyan sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales. Mapagmahal na lolo siya ni Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng nga mahal niya sa buhay.
  • Telesforo Juan de Dios - Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang may lupain. Ang asawa at isang anak niya na si Lucia ay patay na pero mayroon pa siyang dalawang anak si Tano at Juli.
  • Tano - Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo. Nawala ng matagal na panahon.
  • Juliana o Juli - Ang pinakamagandang dalaga sa Tiana na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madalasin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat sa katipang si Basilio.


   II. Buod: 
     Mabuti, mapayapa, at masipag ang anak ni Tata Selo si Telesforo o tinatawag siyang Kabesang Tales. Siya ang sumunod sa kanyang tatay na isang magsasaka. May nakitang lupa ang pamilya nina Kabesang Tales at sa palagay nila ay walang nag mamay-ari doon kaya sinumulan nila itong linisin. Namatay ang asawa ni Kabesang Tales at ang kanyang isa na anak na si Lucia kasi isa isa itong nilagnat noong nag lilinis sila sa lupa. Namatay sila dahil sa hirap at init ng kanilang ginawa subalit ang sinisisi ng mag-anak ay ang mapaghiganting esperitu ng kagubatan o lupa na iyon. Noong malinis na ang lupa ay tinaniman nila ito.

     Nang gagapasin na nila ang unang ani, isang orden ng mga prayle ang pumunta sa lupain ni Kabesang Tales dahil nabalitaan nila na maganda ang lupa na iyon kaya pinadalhan nila ng ordinansya si Kabesang Tales. Ang sabi rito ay dapat mag bayad ng buwis si Kabesang Tales ng halagang dalawampu o tatlumpung piso taon-taon dahil hindi sa kanya ang lupain na iyon kundi sa mga prayle. Napilitan na sumang-ayon si Kabesang Tales kasi ayaw niya ng gulo at wala naman siyang pang bayad ng abogado at walang laban ang kanyang palayok sa kawaling bakal nila. Ang sabi ni Tandang Selo ay, “Magtimpi! Marahil babayaran ka naman nila ng mga misa. Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpung piso mo sa sugal. O kaya’y nahulog ito sa ilog at kinain ng mga buwaya.” Masagana ang naging ani ni Kabesang Tales at nakapagawa na siya ng bahay na tabla sa baryo ng Sapang, sa bayan ng Tiani na karatig ng San Diego. Isang taon na ang lumipas at masagana parin ang ani ni Kabesang Tales at dahil sa iba’t ibang dahilan ng mga prayle ay itinaas nila ang buwis ng limampung piso. Binayaran ito ni Kabesang Tales para umiwas ng gulo at sa pag-asang maibebenta ang kanyang asukal sa mataas na halaga. Ang sabi naman ni Tandang Selo ay, “Magtimpi, Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya!” Nang taon na iyon ay nagkatotoo ang kanilang pangarap,ang manirahan sa bahay ng tabla sa baryo ng Sapang. Pinangarap rin ni Kabesang Tales na paaralin ang tatlong bata lalo na si Juli na isang bata na puno ng kagandahan at katalinuhan. Ang kasintahan ng anak ay nag-aaral rin sa Maynila at kagaya niya na puno ng katalinuhan, si Basilio. Ngunit ang pangarap na ito ay hindi nagkatotoo. Napansin ng mga prayle na mas umasenso ang buhay ni Kabesang Tales kaya mas lalo nilang tinaas ang buwis. Ang sabi ni Tandang Selo ay, “Magtimpi, Isipin mo na lamang na nagsidatingan ang kamag-anak ng buwaya.” Mas tumaas pa ang buwis na binagay nila kay Kabesang Tales hanggang sa umabot ito ng dalawampu’t piso at doon na siya nag reklamo at tumutol. Ang sabi ng tagapangasiwa na kung hindi siya mababayad ay ibang tao na ang mag manay-ari sa lupa niya at marami ang naghahangad nito. Araw- gabi si Kabesang Tales nagbabantay sa lupain niya at may dalang itak palagi.

     Nangyari na ang kinatatakutan ng pamilya ni Kabesang Tales at nahulog sa kamay ng mga tulisan na may dalang mga sandata at baril si Kabesang Tales. Kailangan nila magbayad ng limandaang piso para palayain si Kabesang Tales. Si Juli ang naghanap ng paraan at binenta niya lahat ng alahas niya maliban sa binigay ni Basilio na alahas na pagmamay-ari ni Maria Clara noon. Nakakuha na siya ng dalawampu’t piso pero kulang pa ito kaya para makabayad sa kulang ay maninilbihan siya kay Hermana Penchang. 

  III. Pagsusuring Pangnilalaman

     A. Lugar at Panahaon

Nangyari ito sa isang gubat kung saan may nakitang lupain ang pamilya ni Kabesang Tales. 

       B. Suliranin
Inangkin ng mga prayle ang lupang pinaghirapan at pinaunlad ni Kabesang Tales. Ayaw ng gulo si Kabesang Tales kaya kahit labag sa kaloobon niya ay pumayag siya na mag bayad sa buwis na binibigay ng mga prayle. Dahil sa kagustuhan ng mga prayle na maangkin ang lupa ay tinaasan nila ang buwis hanggang sa umabot ito ng dalawmapu’t piso at doon na siya nag reklamo at tumutol. Ang sabi ng tagapangasiwa na kung hindi siya mababayad ay ibang tao na ang mag manay-ari sa lupa niya at marami ang naghahangad nito. Araw- gabi si Kabesang Tales nagbabantay sa lupain niya at may dalang itak palagi. Ngunit sa huli ay natalo si Kabesang Tales at nahuli ng mga tulisin at ang lupa niya ay ibinigay sa iba. 

       C. Isyung Panlipunan
Korapsiyon
Kagaya nang nangyayari sa ating bansa ngayon ay makikita rin ang korapsiyon sa Kabanata IV sa mga prayle laban kay Kabesang Tales. Makikita ang korapsiyon ng mga prayle dahil sa pag taas nila ng buwis sa lupain ni Kabesang Tales dahil sa kagustuhan na maangkin ang lupain. Ang korapsiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap parin tayo at ang ating bansa.

Pang-aabuso

Nakikita ang pang-aabuso noong palaging tinataas ng mga prayle ang buwis na binibigay nila kay Kabesang Tales dahil sa kagustuhan na maangkin ang lupa. Madali lang nilang nagagawa ito kasi alam nila na sila ay makapangyarihan at dahil dito ay makukuha nila ang lahat ng gusto nila. Sa lipunan natin ngayon, hindi lang mahihirap ang nakaranas ng pang-aabuso at pati na ang mga kabataan at kababaihan sa ating bansa ay nakakaranas ng pang-aabuso sa iba’t ibang paraan. 

  IV. Aral

Ang aral sa Kabanata IV ay huwag mong hayaan ang sarili mo na apihin sa ibang tao at matuto kang lumaban kung ano ang nararapat sayo at kung ano ang tama. Simula pa noong bata tayo ay binigyan na tayo ng karapatan, karapatan na ipaglaban ang katotohanan at ang tama. Lahat tayo ay isinilang ng malaya, pantay pantay at may karapatan kaya huwag mong hayaan na apihin ka lamang. Ang tungkulin natin ay gamitin ang ating karapatan kaya huwag kang magpapa-api sa ibang tao kasi sa huli mananalo parin ang kabutihan. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento